Lunes, Oktubre 26, 2015

Unang nagkamit ng gantimpala noong 1958 sa Timpalak Palanca

ALAMAT NG PASIG
ni: Fernando B. Monleon

Bakit hahambalin an gating pagsuyo?
Buhay niring buhay
Bakit hahamakin ang sumpa’t pangako?
Nagtanim ng lumbay – hindi bir-biro
Dapat na malamang
Tanging aanihin: siphayo, siphayo?

Halinang maglakbay, giliw ko’y halina
Tayo na sa loob,
Kita’y magliwaliw sa tuwa’t ligaya,
Sa lunday kong munti, halika’t sumama
Pagmasdan mo irog
Hayun naghihintay mula pa kanina-

Ako ang gagaod, ikaw ang aawit
Mutyang prinsibini,
Sasaliwan tayo ng kalawkaw-tubig;
Sasaksi sa ati’y ang nanungong langit
Habang ang pagkasi-
Nag-aaliw-aliw sa tinamong sakit.

Hinampo kahapon ay iyong limutin,
Ang bulong ng dusa;
Hayaang ibulong ng amihang hangin,
Buksan ang dibdib mo, unahin ang damdamin
Ngumiti sana,
Ipinid ang puso sa dilang hilahil.

Hala na mahal ko… ang luha mong bubog
Huwag mong sayangin
Huwag mong hayaang sa lupa’y madurog
Ang masisindakin, magsasagwan agad sa
Matuling agos!

Di ngani minsang pulpol sa panulat,
Sa kaligayahan
Kumita ng isang balighong liwanag!
Di anong gagawin? Sa pagkawakawak,
Sintang bathaluman
Nahihiya ako’y ikaw rin ang hanap.

Paanong di gayon..ikaw ang dinsulan
Niring salamisin,
Na sa kariktan mo’y namamaraluman;
Iyong hinanakit-kundi mapaparam,
Sa pagkahilahil,
Hahangga pa yata ang ako’y pumanaw.

Kaya’t panimdim mo’y tulutang mapawi,
Sa bahagyang hapis,
Isang katotohanan ay sadyang lagim
Saanman sumapit,
Tanging ikaw yaring luwalhati.

Kasakdalan mang ang sinta’y magbago,
Kahit sa pangarap.
Bukal na pagsuyo’y hindi maglililo…
Kung kita’y limutin, buhay ko’y paano?
Kung kapos ang palad,
Kamataya’y langit – na makalilibo!

Pahirin na ngani sa nimintang diwa,
ang sugat ng puso,
ang lagim ng dusang lason sa siphayo
sa aking pagyao’y
saka na lumuha; ulilang pagsuyo –
maghapon – magdamag na magpakasawa!

Habang naglalakbay ang ating pagkasi,
Sa iklapwaw ng alon;
Wariin mo hirang, ang aking sinabi,
Iyong panibugho – limit na mangyari
Saanman iukol…
Mabuting-masama, masamang-mabuti.

Kita ay dadalhin sa Taal ng bayan,
Hayun lang sa dulo…
Isang munting pulo sa Bombon, Batangas
At magmula roon ay pasisilangin,
Tayo’y magtutungo
Sa bayan ng Pasig, sa gulod sumilang.

Doo’y may alamat ang isang kahapong
Sa aklat ng lahi’y
Lipos ng pag-ibig, tigib ng linggatong;
Sa dalampasigan sad among nagyabong;
Tayo’y manakati’t
Pagal na gunita’y muling magbabangon.


Sanggunian:
De Leon, Zenaida S. et. al. 2012. Literaturang Pilipino (Tekstong Pangkolehiyo). 125 Pioneer St., Mandaluyong City. National Book Store


Pahina 213-215

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento